Estudyante, nahulihan ng 10 sachet ng marijuana upang ibenta sa school

Isang estudyante ang nahulihan ng 10 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at bisto rin ang kanyang pagtutulak ng damo, habang papasok ng paaralan upang ito ay ibenta, nito lang makalawa sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Ang estudyante ay kinilalang si John Arbie Echague na Grade 10 students sa Rizal High School.

Si Echague ay 18 years old at kasalukuyang nakatira sa No. 1428 Suarez Street, Barangay Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Supt. Rizalito Gapas ng Pasig Police, mahigpit nilang mino-monitor ang mga kabataan na naeenggaynyo sa pagtutulak ng i-legal na droga upang kumita ng pera. Nasabi rin nito na may mga nababalita din na pati ang mga mag-aaral ngayon ay gingamit narin sa pagtutulak, marahil hindi kasi ito kahinahinala lalo na kung nasa eskwelahan.

Ayon sa nasabing report, sinita ng school security guard si Echague habang papasok na sana sa kanyang paaralan bandang alas-7:20 kamakalawa nang umaga para sa bag inspection na araw-araw nitong ginagawa at doon na tumambad ang mga pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bag ng suspect.

Ang 10 piraso ng plastic sachet ng marijuana ay nakumpiska sa bag mismo ni Echague.

Kasalukuyang namang nakakulong na ang suspek sa Pasig detention cell habang inaayos ang kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng RA 9165 o illegal drugs act.