Markado na kay Pangulong Duterte ang Judge na nagpalabas kay Ampatuan


Si Zaldy Ampatuan ang isa sa mga mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre case ngunit pinayagan ito ng korte na makalabas upang makadalo sa kasal ng anak.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque na kontra ang Pa­ngulo sa mosyon ni Ampatuan ngunit lalong nadismaya ang Pangulo nang ma­lamang pinagbigyan ang kahilingan ni Ampatuan.

“I don’t think there’s an implication. Officially the panel of the prosecutors and the President joins them, opposed that motion. And were dismayed that it was gran­ted. That’s the official stand,” ayon kay Roque.

Pinawi naman ni Roque ang agam-agam ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa posibilidad na maaring makalu­sot si Ampatuan sa kaso nito dahil  sa mga ninong sa kasal ng anak nito ay mga bigating opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Bong Go, Presi­dential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza , Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ang ilan pang matataas na opis­yal ng gobyerno.

“I can assure you this will not affect the case, and I think you know why I can give that assurance,”ani Roque.

Source : https://www.abante.com.ph/judge-na-nagpalabas-kay-ampatuan-markado-kay-digong-roque.htm