Trillanes to Cayetano: Isa kang ahas!


ITINUTURING ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na isang ahas kaugnay sa usapin sa Panatag Shoal.

“Sec. Cayetano has proven to be a political snake,” saad ni Trillanes.

Pahayag ni Trillanes na naganap ang Panatag standoff noong 2012 o noong panahon na loyal ally pa si Cayetano ng Aquino administration.


Aniya patuloy ang pagtatanggol ni Ca­yetano kay Former President Noynoy Aquino sa pamamahala sa isyu ng Panatag Shoal at katunayan ay sa debate noon ni Trillanes at ni dating Senador Juan Ponce Enrile ay dinipensahan pa siya ng nito.

“As to my Senate exchange with Enrile, Caye­tano even defended me that time since he was my Minority leader back then. In fact, I clearly remember telling him, as well as the other senators then, of the gist of my mission as backchannel negotiator. For that matter, I had multiple media interviews about it but, again, Cayetano ne­ver saw anything wrong with it then,” said Trillanes.

Inilahad muli ni Trillanes ang kanyang naging papel bilang backchannel negotiator noong May 2012 o sa gitna ng Panatag standoff kung saan may nasa 80 hanggang 100 Chinese vessel ang nakadaong.

“Just to be clear, Panatag Shoal is in Zambales area and is not part of the Kalayaan Island Group in Palawan,” Trillanes said.

Ipinaliwanag ni Trillanes na ang misyon niya ay ang pa­kalmahin ang tensiyon sa Panatag na sa kanyang paniniwala ay nagampanan nito nang maayos ang kanyang misyon.

Ito ay dahil mula sa 80-100 barko ng China ay nasa tatlo na lamang ang sasakyang pandagat ng dayuhang bansa sa naturang Shoal aniya.

Ang pagtanggi naman  ng China na alisin ang tatlo nilang barko ang nagbunsod kay Aquino na maghain ng arbitration case na kanilang naipanalo dagdag pa ng senador.

“Those are the facts and circumstances about this issue and I will not allow Cayetano to twist them. Now the question to Cayetano and his boss, Duterte, is this: ‘Why didn’t you follow through on our historic victory at the arbitrarion court?’ Or better yet: ‘Why aren’t you fightin­g for our sovereignty the way you promised du­ring the campaign?’” said by Trillanes.