Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Leo Superio, sinabi nito na ang ang isang kaso na matagal nang na-dismis ng korte kagaya ng rebelyon na kinakaharap ni Trillanes ay hindi na maaring buhayin pa.
Ayon kay Superio, matagal nang binigyan ng amnesty ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Trillanes na nangangahulugang pinatawad na ang senador sa kasong rebelyon.
Kwestiyonable rin ayon kay Superio ang pagbigay ng pahintulot ng korte sa senador na maglagak ng P200,000 na piyansa dahil ayon sa batas, hindi bailable ang rebelyon dahil isa itong capital offense.
Naniniwala naman si Superio na natatakot ang korte kay Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya’t kahit na mali ay pinaboran nila ang pagbuhay sa kasong rebelyon ni Trillanes.
Samantala, ang pagbigay naman ng piyansa sa senador ay maituturing daw na “consuelo de bobo.” (Radyo Inquirer)