Malaki ang tyansa na madagdagan ang kaso na maaring maisampa laban kay Senator Antonio Trillanes IV matapos mapawalang-bisa ang kanyang amnesty, pati na ang pagmamatigas na hindi pagsuko sa mga awtoridad na huhuli sakanya.
Pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, may mga kundisyon na nakapaloob sa amnestiya, subalit hindi umano sinunod ni Trillanes ang mga kundisyong na ito na ipinagkaloob sa kanya at kapag o kung sakali na nilabag niya ito ay maaaring bawiin ito o mabalik siya sa kulungan.
“Yung amnesty parang conditional pardon yan eh. ‘Pag binigyan ka kailangang sundin yung mga alituntunin na nakasaad doon. Hindi mo dapat labagin yun. ‘Pag nilabag mo, iwi-withdraw ‘yung pardon sa’yo, balik ka sa kulungan,” ayon kayPanelo.
Dagdag pa ni Panelo, malaki rin ang posibilidad na may dumating na demanda kay Trillanes dahil sa pang-hihikayat umano nito sa mga sundalo at taumbayan para labanan ang kasalukuyang administrasyon.
” Sa totoo lang yang ginagawa niya noong hindi pa siya senador ay yun ding mga ginagawa niya ngayon. Naghahasik siya ng lagim, nagtatanim siya ng poot sa puso ng mga tao laban sa pamahalaang ito at laban kay Presidente Duterte.
Nagtatapon siya ng mga akusasyon na hindi niya naman napurbahan, katakot-takot na paninira ang ginagtawa niya eh yun eh labag sa batas. Palagay ko eh may darating na demanda sa kanya na inciting to sedition,” ayon kay Panelo.