Ito umano ay ang mga donasyon na galing pa ng ibang bansa para ibigay sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Tanong nang karamihan, bakit nga kaya hindi man lang nagawan ng paraan para mailabas ang mga nasabing donasyon na ito sa Customs upang maipamahagi sa mga kababayan nating nasalanta at nangangailangan nito.
Ito nga ba talaga ang tunay na imahe ng LP na may temang "Ang Tuwid na Daan"?
Detalye ng video:
Sinunog ng Bureau of Customs sa Cebu ang mga donasyon para sa mga biktima sana ng Bagyong Yolanda matapos ideklarang abandonado ang imported shipment.
Ido-donate sana ito noong 2014 pero idineklarang abandonado noong Hunyo 2017.
Hindi umano nakakuha ng exemption sa bayad sa buwis ang mga donors at consignees nito bago i-release ang naturang kargamento.
Ang inabandonang mga relief goods ay mula sa Norway, US at Belgium.