Mahiya ka naman Bertiz, PINAGBIBITIW ng mga OFW, nanindigang HINDI mag Re-resign!


Nanawagan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na magbitiw na sa puwesto si ACTS OFW Party-list Rep. Aniceto ‘John’ ­Bertiz III dahil sa kinasangkutan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Sabado kung saan nakita ng lahat ang kanyang hindi magandang asal.  Sa kabila ng panawagan na ito, nanindigan ang mambabatas na hindi siya magre-­resign sa Kamara.

“Ipagpapatuloy ko pa rin po ‘yung laban lalong-lalo na po doon sa mga biktima ng human trafficking, biktimang mga OFWs na nawalan po ng kanilang mga gamit, pera at biktima rin po ng mga nakaraang tanim bala,” ayon kay Bertiz kahit na samut saring ang komento ng netizens sa social media, marami pa rito ay nagpakilalang mga OFW na nananawagan sa pagbibitiw ng mambabatas.

Itinuturing din ni Bertiz na peke ang kumakalat na liham para sakanya na nagsasaad na pinalalayas na siya sa ACTS OFW Party-list organization.

“The document being circulated online in social media is fake. We’ve never recognized this person, Feliciano Adorna,” ani Bertiz.

Sa kabila ng pagiging kapit-tuko at matigas sa puwesto, posible pa ring mapatalsik sa Kamara si Bertiz kung kikilos ang House committee on ethics at irekomenda ang expulsion nito.

“There may be a possibility that we may have to take this up to the ethics committee,” ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez.

Tikom naman ang bibig at hindi pa nag papahayag si House Speaker Gloria Macapagal-Arro­yo sa isyu kung kaila­ngang mapaimbestigahan sa ethics committee si Bertiz upang mabigyan ng sapat at akmang parusa ang mambabatas.