Nadiskubre ni Vergara nito lang Hunyo 9, nang sinubukan niyang tumawag sa customer service ng PLDT subalit pinagpasa-pasahan lamang siya sa Service hotline. Nagbalak si Vergara na lumipat sa PLDT Fibr dahil nababagalan siya sa kanyang internet kung kaya't siya ay napatawag. Ngunit inawat siya ng mga kamag-anak dahil dini-discourage sila ng PLDT.
Sa tuwing mag sasagawa ng speed test si Vergara, bitin na bitin sa 2mbps lang ang nakukuha niya kung kaya't nag desisyon nito na ilipat ng Fibr. Mas kailangan kasi ng 3mbps na speed ni Vergara para sa kanyang trabaho.
Isang oras ang lumipas sa paghihintay sa pagkaka-hold sa kanya at ito ay pinagpasa-pasahan hanggang sa nakausap ni Vergara ang tech team ng PLDT.
Ayon sa PLDT tech team, hindi kailan mag-upgrade ni Vergara dahil pang-3mbps naman ang binabayad nito. Nang inurirat niya, sinabi sa kanya ng isang representative na nilimita ang bilis ng internet niya sa 2mbps noon pang 2014.
Pinalampas na umano ng subscriber ang mga panahon na nawawala ang kanyang internet connection pero ito pa ang kanyang natuklasan sa kompanyang pag-aari ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.
Napagtanto ni Vergara na dapat lang na i-reimburse siya ng PLDT para sa kulang na 1 mbps sa panahong iyon o bigyan siya ng bagong rate para ma-reflect ang advance payment.
Tinanong naman ang PLDT Media Affairs tungkol sa isyu ni Vergara pero wala pa itong sagot hanggang ngayon.