Ayon naman sa isang post ni Barry Gutierrez, spokesperson lawyer ni Robredo, busy ang Vice President sa ''tunay'' na pag ta-trabaho .
"Pasensiya na si Mocha. Di tulad niya, si VP Leni kasalukuyang nagtratrabaho para sa ating mga kababayan, at walang oras para pansinin ang mga chikka niya," sabi ni Gutierrez sa kanyang tweet.
"Salamat na lang sa imbitasyon, pero busy kami sa totoong trabaho," dagdag pa nito.
Bago ang pangyayaring ito, hinamon ni Mocha nitong Huwebes (October 4) si Robredo na harapin siya ni Robredo ng "eyeliner to eyeliner" matapos siyang sabihan nito na hindi maisasalba ng kanyang pag bitiw sa pwesto ang kanyang mga kasinungalingan at eskandalo.
"Alam n'yo kung kasinungalingan lang, nako, sino kaya ang totoong sinungaling? Maski nga iyang posisyon n'yo bilang VP ay isang malaking kasinungalingan," sabi ni Uson, hinggil sa pending protest laban kay Robredo sa kanyang pagkapanalo bilang VP noong May 2016 victory.
"Katulad nga po ng sinabi ko, patas na ang laban ngayon. Wala akong tinatago, wala akong kinakatakutan. Magharapan tayo, mata sa mata, eyeliner to eyeliner," pahayag ni Uson para kay Robredo.