Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi in aid of legislation ang hinaing ni Trillanes, kundi pansariling interest lang umano ang isinusulong na imbestigasyon nito.
Wala duda na nais lamang gamitin ni Trillanes sa pamumulitika ang ipapatawag na imbestigasyon at hindi para gumawa ng batas ayon pa kay Roque.
Tinabla naman ni Senador Richard Gordon ang hirit na ito ni Trillanes dahil may mas mahahalagang isyu na dapat unahin at pinayuhan na lamang nito si Trillanes na mangalap na lang ng ebidensiya at isampa ang mga ito sa Ombudsman.
Iginagalang naman ang naging desisyon ni Senador Gordon na pagbibigay-prayoridad sa mas mahalagang isyu at usapin.
“Dahil po mayroong separation of powers ang ehekutibo at lehislatura, iginagalang po natin ang desisyon ni Senator Gordon,” ani Roque.