11:20 nung pumasok si kuya sa room namin which is 12-ABM
Nagpapabili siya ng sapin-sapin. Pumasok siya sa room namin dirediretso siya sa lamesa para ipatong yung basket na dala niya. Wala pa rin bumibili samin hanggang sa nakita ni kuya yung naka sulat sa board at yun ay yung topic namin sa Math . Nagulat kami kasi humihingi siya ng Chalk sasagutan daw kasi ni kuya. Edi nagmadali yung isa kong classmate na humingi ng chalk sa kabilang room. At yun na nga. Sinagutan ni kuya at ang nakakabigla ay englishero ang kuya natin. 😄 nakakaproud .
Nakapag aral raw siya ng 4-year course na business economics and management tapos 2 beses siyang nabagsak sa LET. Tapos ngayon nagtake ulit siya at kasalukuyang naghihintay ng result. He asks for our prayers.
Sabi ni kuya "be humble kahit nasa taas kana ng estado ng buhay. Wag kalimutang lumingon sa ating pinanggalingan"
At sinabi pa niyang "kayang magbago ng isang tao" "wag kang matakot magshare ng iyong kaalaman sa ibang tao na alam mong nangangailangan nito".
Thank you kuya sa shinare mong kaalaman saamin! 😊
We ABM students and other students are so proud of you kuya. Mabuhay ka kuya at sana makapasa ka at maabot mo ang iyong pangarap.
Update:
NAKAPASA NA PO SIYA SA LET . NEXT YEAR MAGTUTURO NA PO SIYA SA NAGA