Ano ang kinalaman ni President Rodrigo Roa Duterte sa baha?
Lahat ng kung ano man ang nangyayari sa ngayon ay kagagawan din ng mga tao.
Oo tama ang nabasa mo. Tayong mga tao na nakatira sa Pilipinas at sa ibang bansa man ang may may kagagawan kung bakit may baha sa maraming lugar.
- Una na rito ay ang walang habas na pag puputol ng puno sa mga kabundukan.
- Pangalawa ay ang walang pakundangan na pag tatapon ng basura sa lansangan, lalu na ang mga plastic at stryo na hindi nabubulok ng mabilis gaya ng papel.
- Ang ikatlo ay ang hindi pag kakaron ng water drainage system.
- Ika-apat naman ay ang hindi pag lilinis ng ating mga kanal.
Ilan lamang ang mga iyan na talaga namang mag sasanhi ng baha saan mang lugar. Disiplina at Responsibilidad ang wala sa tao. Kung bumaha man sa lugar ninyo, bakit isisisi mo ito sa pangulo. Wag nating isisi ang lahat ng hindi magandang nangyayari sa kasalukuyang presidente. Bagkus suportahan natin ito. Kung gusto natin ng may masisisi, bakit hindi natin sisihin ang MGA naunang administrasyon. Bandang huli tayo parin ang mangangalaga sa ating kapaligiran dahil tayo rin ang sumisira nito. Wag natin isisi ang lahat sa isang bagay na alam naman natin na tayo ang may gawa.