Magkakakampi pa rin tayo, lahat tayo ay sumusuporta sa Pangulo.
Date - August 11, 2018
Pinagtibay ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III nitong nagdaang Martes na nagkakaisa ang PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago, na pinamumunuan ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio, para sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahit na magkahiwalay pa ang organisasyon ng mga miyembro nito.
“Ang mga kaalyado ng Pangulo ay maaaring mapabilang sa isa o parehong partidong ito ngunit magkakakampi pa rin tayo; lahat tayo ay sumusuporta sa Pangulo,” giit ni Pimentel, na naunang ipinadama ang bukas niyang pagtanggap upang maikasa ang pakikipagkoalisyon sa Hugpong ng Pagbabago.
“Kagaya nang nasabi ko sa aking mga kapartido, isang regional party ang Hugpong ng Pagbabago habang national party naman ang PDP-Laban. Wala akong nakikitang problema sa anumang dual membership sa national party at regional party,” sabi pa ng senador.
Idinagdag pa ng Senador na siyam na buwan pa bago maganap ang midterm elections kung kaya nararapat na ituon ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang atensiyon sa pamamahala at hindi sa pamumulitika.
Share this
Now Trending
-
Hindi binigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang agrarian reform beneficiaries na napangakuan na mabibigyan ng ekta-ektaryang lupain sa ...
-
Hindi na umano ikinabigla ni Vice President Leni Robredo kung walang opposition senatoriable ang pumasok sa ginawang mga survey. Ayon p...
-
Hindi tinanggap ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang dalawang exhibits o ebidensiyang isinumite ni Sen. Antonio Trilla...
