Sa pangunguna ni Pangulong Duterte, pinamahagi ang 523 land ownership certificates sa 484 recipients kabilang ang 45 miyembro ng katutubong Ati (orihinal na inhabitants ng Boracay island).
Sa naging talumpati ng Pangulo, ang pamamahagi ng mga titulo ay nagdulot ng lubos na kasiyahan sa kanya.
Kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagsiguro sa food security ng bansa at tiniyak na susuportahan ng kanyang administrasyon ang mga ito upang mas maging produktibo.
“Today, we acknowledge our farmers’ important role in nation-building as they work tirelessly to ensure food security across the country. I assure you that this administration will continue to protect and uphold your right to own, control, secure, cultivate lands, and reap the benefits of the agricultural lands you till,” ayon kay Pangulong Duterte.