Benepisyong natatanggap ng mga guro, isinusulong na ma-ilibre sa buwis

Isinusulong ngayon sa Kamara ang isang magandang balita na mailibre sa buwis ang mga benepisyo na tinatanggap ng mga guro na nagsisilbi tuwing eleksiyon.

Hinimok ni 1-Ang Edukasyon Party-list Rep. Salvador Belaro Jr., ang House Committee on Ways and Means na kagyat na aktuhan at aprubahan ang House Bill (HB) No. 7732.

Tinututukan ng panukala na mapagkalooban ng 100% tax exemption ang death benefits, honora­ria, at travel allowances ng mga titser at iba pang taga-gobyerno na nagli­lingkod sa halalan.

Naniniwala ang solon na hindi makakaapekto sa operasyon ng gobyerno ang paglilibre sa buwis ng mga nabanggit na benepisyo.

“Isinasakripisyo ng mga kasapi ng board of election inspectors ang kanilang buhay, oras, at lakas para lamang matiyak ang malinis at maa­yos na halalan,” pahayag ni Belaro.