Isang security guard ng SM Megamall ang binabatikos ngayon ng mga netizen matapos na i-upload ang isang video kung saan makikita ang pag huli ng security guard sa isang taho vendor. Makikita sa nasabing video kung paano tratuhin ng security guard ang nasabing vendor. Mapapanood rin sa video na pati na rin ang kumukuha ng video ay sinisita nito at tumawag pa ng back-up kahit na hindi naman nanlalaban ang taho vendor.
Sa isang video na ibinahagi ng netizen na si Tomichi Francheska sa Facebook, siya ay napadaan sa may SM Megamall ng makita niya ang isang komosyon sa pagitan ng isang taho vendor at ng SM sekyu, agad niya itong kinunan ng video dahil napansin niyang tila may mali sa ginagawa ng guwardya ng SM.
Sa naturang video, makikitang nasa labas naman ng bakuran ng SM ang magtataho kung kaya’t may karapatan naman siguro siyang magtinda roon. Dagdag pa rito, makikita rin na pilit ng umaalis ng taho vendor ngunit matigas ang hawak ng gwardya sa kanyang dala. Tumawag na rin ng back-up ang gwardya uppang tulungan sya.
Bagama’t maaaring kasama sa trabaho ng mga guwardya ang manita ng sinuman na nagtitinda sa kanilang bakuran, maaari nila itong gawin sa maayos at makataong paraan. Sana ay inisip at inilagay din nila ang kanilang sarili sa kalagayan ng magtataho, na katulad nila ay nagtatrabaho rin lang upang makabuhay ng pamilya.
Hindi nila dapat hulihin o itapon ang paninda ng taho vendor. Maaari nila itong sitahin, at pagkatapos ay pabayaan ng maka-alis. Ngunit ang ikinilos ng gwardya ay nagpapakita ng kayabangan at pag-abus0 sa kanyang otoridad. Dapat siguro ay mabigyan ng leksyon ang mayabang na guwardyang ito.
Napuno naman ang social media ng batikos laban sa mayabang na gwardya. Sa video pa lamang ay makikitang may isang babaeng lumapit at nakipag diskusyon sa gwardya, dahil tila mali na ang ginagawa nito sa taho vendor, ngunit matigas ang gwardiya. Pati ang kumuha ng video ay binalaan din ng gwardiya ngunit hindi natakot ang uploader sa banta ng SM sekyu.
Napuno naman ang comment section ng Facebook sa mga batikos laban sa gwardiya. May mga dati ring guwardiya na nagsabi na hindi dpat ganun ang inasal niya lalo’t maayos na naghahanap buhay ang magtataho.