Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grant of amnesty kay Senator Antonio Trillanes IV sa kadahilanang hindi pag comply sa kanyang minimum requirements
at kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
"I guess all of these would have to proceed and if taking him into custody is an automatic effect of that, then so be it," ayon sa interview kay Guevarra .
Si former President Benigno Aquino ang nagbigay umano ng amnesty kay Trillanes at sa iba pang rebeldeng militar noong 2011 at humantong ito sa kanilang pag kalaya.
Maaalalang si Trillanes ang tinyente noon ng Navy, sinakop ni Trillanes at ng kanyang Magdalo na grupo ng mga sundalo at mga junior officer ang Oakwood Hotel noong 2003 at ang Manila Peninsula Hotel noong 2007 bilang protesta sa diumano'y katiwalian sa ilalim ng pamumuno noon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.