Walang bahid politika ang pagbawi ng amnestiya, siya ay nagkasala sa batas


Ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang ano mang bahid ng politika ang pagbawi sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV na talaga naman VIRAL issue ngayon dahil hindi naman umano maikakaila na lumabag ang senador sa batas.

“Hindi naman pupuwede na magbabalot ka ng bomba sa Oakwood at i-tatake over mo ang Manila Peninsula ng wala ka nang pananagutan. It doesn’t work that way.” esplika ni Roque.

Matagal narin umanong planado ang pag bawi ng amnestiya ni Trillanes at hindi ito basta binawi lang.

Dagdag pa ni Roque, kahit sino umanong politiko o mambabatas ay maaring maparusahan basta’t mapatunayan na may pagkakasala. Hindi umano namimili ang administrasyon at hindi rin dahilan ang pagiging kritiko ni Pangulong Duterte si Trillanes.

“Magsasampa ng kaso kung may ginawang paglabag sa batas. Kung mayroon naman pong administration na mga mambabatas na may ginawa silang (labag sa) batas eh isumbong niyo po sa amin at kakasuhan din ‘yan pero sa tingin ko naman walang kaduda-duda na lumabag sa batas itong si Senator Trillanes noong ginawa niya ‘yung Oakwood at Manila Peninsula.” sabi ni Roque.