Haharapin at sasama sa mga Pulis at Sundalo pero nag tatago sa Senado


Ito ang mga sinabi ni Senator Trillanes sa kanyang prescon nitong umaga, siya raw ay hindi natatakot, haharapin at maayos na sasama sa mga huhuli sakanya.

Ngunit nag iba ang ihip ng hangin matapos nitong makausap ang ilan sa mga kapwa nito Senador.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging officer-in-charge si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra habang ito ay nasa labas ng bansa at nag bigay ng statement tungkol sa sinasabi ni Trillanes na ang kanyang amnestiya ay hindi maaraing mapawalang bisa.

Dumepensa si Guevarra tungkol sa pagbawi ng amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV dahil ito ay nagkasala sa batas.

Ayon kay Guevarra, walang anumang oras o araw na pipiliin ay maaring balikan ng Palasyo ang mga amnesty grant na kanilang ipinagkaloob at kung sakali na nakitang ‘void’ ito ay maari ring agad na mawalan ng bisa.

“The matter of taking a look at whether amnesty granted is valid or not is something that can be done at any time because probably you’ve seen from the proclamation if that grant of amnesty is declared to be void then it can be attacked at any time because it’s void,” ayon kay Guevarra sa mga reporter na kasalukuyang nasa palasyo.

Ayon naman kay Trillanes, itinaon talaga ng Pangulo na wala umano ito sa bansa bago ito ipatupad at inakusahang duwag ito.

Matagal narin umanong plano ang nasabing pagbawi sa amnestiya grant ng palasyo at ito ay pinag aralan.

“And the matter of timing is irrelevant. There is no time element or prescriptive period for something to be attacked if from the beginning it is void,” dagdag pa niya.

Ano mang oras ay maari ng arestuhin si Senator Trillanes, subalit ito ay nananatili sa loob ng senado upang hindi siya maaresto.