Ilang ebidensiya ni Sen. Trillanes sa Makati RTC Branch 148, IBINASURA!!!

Hindi tinanggap ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang dalawang exhibits o ebidensiyang isinumite ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito ay sa sala ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC Branch 148.

Kabilang sa mga hindi tinanggap ng korte bilang ebidensiya ang printout ng official Facebook page ng Department of National Defense (DND) at ang printouts ng throwback pictute ng senador noong siya ay nag-apply ng amnestiya.
Una nang inihirit ng Department of Justice (DoJ) ang kanilang oposisyon sa Makati court at sinabing huwag tanggapin ang mga ebidensiya ni Trillanes dahil hindi ito authenticated.

Pero tinanggap naman ng korte ang karamihan ng mga ebidensiya ni Trillanes kabilang ang nanggaling sa Defense Ad Hoc Committee for the Amnesty at iba pang sertipikasyon para sa aplikasyon ni Trillanes.

Nananatili naman ang oposisyon ng prosekusyon sa iba pang tinanggap na ebidensiya.

Nilinaw din ni Judge Soriano na ang pagtanggap sa mga ebidensiya ay walang pagkiling sa probative value sa reresolbahing mosyon ng DoJ.

Dahil dito ano mang oras o araw ay asahan na ang resolusyon nito kung pagbibigyan niya o hindi ang urgent motion ng DoJ na maglalabas siya ng warrant of arrest laban kay Trillanes sa kasong kudeta.