Robredo, nanawagan sa Duterte Administration na bilisan ang galaw vs. inflation


Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa Administrasyong Duterte upang bilisan ang pagkilos nito upang maibsan ang epekto ng inflation sa mga mahihirap na Filipino.

Sa isang interview s Bacolod City, sinabi ni Robredo na mayroon nang mga senyales nitong nag daang araw ng taon na ito ngunit ito umano ay hindi pinapansin ng administration.

“Malaki talaga ‘yong pagkukulang ng pamahalaan… ‘yong inaction. Matagal nang may problema, mayroon pang ‘di pagkakaintindihan sa loob,” ayon kay Robredo.
“‘Yong sa akin lang, sana kapag gutom, kapag sikmura na ng mga kababayan natin, medyo bilisan ‘yong aksyon. Hindi puwedeng babagal-bagalan, kasi ‘yong araw-araw na lumilipas, napakahalaga sa ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Ang Pangalawang Pangulo at mga kaalyado nito mula sa oposisyon ay paulit-ulit na tumawag sa administrasyon upang maglatag ng ilang mga solusyon, kasama na rito ang suspension of excise tax sa langis at ang kumpletong roll-out of unconditional cash transfer para sa lahat ng 10 milyong pamilya na naka-target sa ilalim ng TRAIN 1.

Nanawagan din si Robredo sa administrasyon upang suriin kung ang P200-isang buwan na ibinibigay sa nasabing mga pamilya sa ilalim ng UCT ay sapat, since ang mataas na implasyon ay hindi isinasaalang-alang noong magawa ang nasabing probisyon.