Duterte: I never fired Mocha. Siya yung nag-resign, suportado rin kung tatakbo sa 2019


Sinabi mismo ni President Rodrigo Duterte na hindi niya tinanggal si Mocha Uson at sa halip ay nag resign ito, kabaligtaran sa mga report na sinasabing pinatalsik ito ng Pangulo.

Nag upload nitong Martes si Mocha ng video sa kanyang Facebook page  kung saan makikita na iniinterview niya ang Pangulong Duterte at sinasabi na hindi ito tinanggal sa pwesto.

“No. You resigned. I never fired Mocha. Siya yung nag-resign,” sabi ni Duterte.
Nag resigned si Mocha noong nakaraang Lingo upang magbigay daan para maibigay ang budget ng kanilang ahensya, ngunit nag warning ito sa kanyang mga kritiko na hindi pa tapos ang laban bagkus mag sisimula palamang.

Ito naman ang naging pahayag ng Presidente sa issue ni Drew at Mocha ng i-sign language ang kanilang kanta about sa Federalism na inalmahan ng deaf community na “heavy criticisms” against Uson, “I supported her. Freedom of expression iyan.”

Nagpahiwatig naman si Uson to run in the 2019 elections, kahit na hindi pa siya determinado kung tatakbo for Senate or a local post.

Si Mocha Uson ay tatakbo bilang independent candidate kung sakali man, matapos sabihin ni Senator Aquilino Pimentel III, president of the ruling PDP-Laban party, na hindi kasama si Uson sa kanilang party’s lineup.

“I will support you,” ayon kay Duterte para kay Uson’s sa kanyang election plan.