Sa isang press briefing na ginanap sa Malakanyang, sinabi ni DILG Asec Jonathan Malaya,na kanila na lamang hinihintay ang buong intel report na mag mumula sa PDEA bago maging final ang listahan na ibibigay nila sa COMELEC bago ang midterm elections.
Malaki ang posiblilidad na makukumpleto at maisusumite nila ang buong listahan ng mga narco-politicians pagkatapos ng filing ng certificate of candidate o COC’s ayon kay Malaya.
Umaasa sila na kapag naibigay na nila sa COMELEC ang mga listahan, agad na aniya na ididiskwalipika ng komisyon ang mga nasabing kakandidato na sangkot sa iligal na droga.
Matatandaang sinabi ng DILG OIC Eduardo Ano, na nasa higit siyam na pung lokal na opisyal, kabilang na ang 58 mayors na nasa listahan ng PDEA.
Paglilinaw naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, alinsunod sa batas, hindi agad agad madidiskwalipika aniya sa halalan ang mga nasa listahan, hanggat hindi sila hinahatulan ng Korte.