EDSA girl kiki dance challenge, WANTED


Nakipagtunlungan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ng National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang babaeng nasa video ng ''Kiki Dance'' challenge sa EDSA na official na pinagtibay kahapon.

“Medyo insulto ho ito dahil hindi tayo nagkulang ng paalala sa mga motorist na wag mag-'In My Feelings Challenge' sa major thoroughfares,” Assistant Secretary Celine Pialago, MMDA spokesperson, said on GMA 7’s "Unang Hirit".

Inaalam na ng MMDA sa tulong ng NBI para matukoy ang eksaktong address ng bahay nito upang maipada ang summons.
Ang nasabing babae sa video ay si “Micha Anne Gabuten” batay din sa kanyang Facebook account, subalit deleted na ang account na ito matapos kumalat sa social media ang nasabing video.

“If the driver was the one taking the video, that’s a violation of the Anti-Distracted Driving Act, but if not, then it is not covered under the ADDA,” 

Sa video maririnig, ang isa pa nilang kasama na babae na nag che-cheer pa sa kanya habang ito ay nasa gitna ng highway at sumasayaw.

"Wait lang mag-twerk ka muna diyan. Mag-twerk ka muna diyan (Wait, just twerk there. Do the twerk)," ayon sa kasamang babae.

Ang mga ito ay mag babayad ng multa na 5,000 para sa first offense ng Anti-Distracted Driving Act, pangalawa at pangatlong paglabag naman ay may halagang 10,000 at 15,000.

Kasama sa pangatlong pag labag ang pag ka suspende ng driver's license.
Makaksuhan rin ng reckless driving ang driver sa nasabing video.