Nag response na ang ABS-CBN tungkol sa kontrobersiya tungkol sa isang finalist ng programang “It’s Showtime’s” “Tawag ng Tanghalan.” na si Carl Malone Montecido
Ayon kay Paul Ballano, isang stage director, Humihingi sakanila ng tulong si Carl, hindi pa kasi niya nakukuha ang kanyang premyo na napanalunan sa nasabing programa.
Malaking pasasalamat naman ang mula kay Paul sa network sa mabilis na response nito na kanyang ipinahayag sa bago niyang post na natanggap na niya ang checks ni Carl.
“At last.. Carl Malone through his Tito got his checks now. Thank you ABSCBN s inyong pag aksyon s post ko. No more fighting just love,” post ni Paul.
Sa ngayon ay ang hinihintay nalamang nila ay ang TF ni Carl sa General Santos at Zamboanga events.
“Sa mga nasaktan, nagallit, nainis at naipit. We r sorry but what is important is the waiting is now over. This picture was taken by their staff and i posted it here. MISSION ACCOMPLISHED!” dagdag pa nito.