Erwin Tulfo : Pag yung liberal ho eh babalik, eh tatakbo ho ako


Nag pahayag si Mr. Erwin Tulfo mula sa isa sa kanyang programa na ito ay tatakbo sa Senatorial Election 2019.

Ito ay kanyang ipinahayag kung ang Liberal Party ay babalik sa position. 

"Kung ako ay tatakbong senador, wala po akong balak" sabi ni Erwin Tulfo.
"Pero kung ganito naman lintik nag sisibalikan na itong mga liberal na ito, talagang mapipilitan  akong tatakbo ako" dag-dag pa nito.


Pinagmulan ito ng isang pahayag ng Liberal Party na sigurado silang walo sa kanilang kampo ang makakaupo bilang senador.

"Pag yung liberal ho eh babalik, eh tatakbo ho ako"ayon kay Tulfo.

"Pangako itaga ninyo sa bato, hindi ko ho aatrasan yan"

"Kasi nasabi ng liberal ay parang sigurado na sila walo sa kandidato nila mananalo, pwes bawasan nyo ng isa, pito na lamang dahil tatakbo ako."

Ito ay kanyang ipinangako kung ang mga liberal ay mag babalik sa senado, ito naman daw ay kanyang nararamdaman kung kaya......

"Tatakbo ako bayan, Promise! itaga nyo sa bato, hintayin nyo next year, lalabanan ko kayo kahit sino iharap nyo dyan."