Binaliwala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Sec. Mocha Uson ang mga bumabatikos at ang panawagan sakanya na mag-resign na ito sa puwesto sa kadahilanang nakakasira lang umano ito sa Duterte administration.
Makaraang tanungin kung ano ang kanyang naging reaksiyon, Palaban na sinagot nito ang mga kapwa niya opisyal na nag sasabing at humiling na mag-resign na ito.
Patuloy parin si Uson sa kanyang trabaho at hindi nagpapaapekto dahil mas tutok siya sa mga Pilipino na mas nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
‘Yun lang ang focus ko eh, they can say whatever they want, basta I’m here doing my job for the President and for the ordinary Filipino people,” sabi ni Uson.
“I’m not even going to waste my time dahil I cannot please everyone. I’ll just focus on my job. At hanggang sa wala akong nilalabag na batas, hindi ako nagnanakaw, wala akong kailangang itago, wala akong kailangang ikatakot,” dagdag pa nito.
Matatandaang umani ng batikos si Uson sa kadahilanan ng nag-viral na video nito kung saan ang pederalismo na ginawang “pepe dede ralismo” kasama ang isang blogger, na siya namang ikinagalit ng mga mambabatas at ng ilan pang grupo at naging dahilan para hilingin itong magbakasyon o tuluyang mag-resign sa puwesto.