New Chief Justice Teresita Leonardo De Castro, Short Term but Killing.


Si Associate Justice Teresita De Castro ang bagong Supreme Court chief justice na magiging kapalit ng nasibak na si Maria Lourdes Sereno.  Subalit ang kanyang termino ay magtatagal lamang sa loob ng dalawang buwan. 

Marami ang natuwa na mapili ni Pangulong Duterte si De Castro subalit marami din ang hindi sang ayon dito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Spokesman Harry Roque na si De Castro ang  "best choice" para sa position na chief justice.

Inaasahan naman ng mga taga suporta na sa maikling termino nito ay matatalakay ang tatlong kaso na hanggang ngayon ay wala pang resulta.

Una dito ay ang issue ng SMARTMATIC at COMELEC na siyang bumahala sa lahat ng botante tungkol umano sa dayaang naganap noong botohan na hanggang ngayon ay wala paring linaw kahit marami ng ebidensya.

Pangalawa ay ang pagkasawi ng SAF 44 na naganap sa panahon ni Former President Noynoy Aquino.

Pangatlo naman at ang DENGVAXIA na di umanoy naging sanhi ng pagkamatay ng mga kabataan na naturukan nito.

Ire-release naman ng MalacaƱang ang appointment paper De Castro sa Martes.