Granada, itinanim ng pulis ayon kay Arnold Padilla at asawa nito, gayun din ni Atty. Fortun


Sa bisa ng warrant, pinasok ng special operation unit ng NCRPO ang bahay ni Arnold Padilla sa Barangay Magallanes sa Makati.

Tatlong baril, bala at dalawang granada ang natagpuan sa bahay nito, ngunit mariin na itinatanggi ito ni Padilla.

Sa isang CCTV Footage na ibinigay ng kanilang abogado na si Atty. Raymond Fortun, makikita ang dalawang pulis na pumasok sa back kitchen ng bahay.  Pwesto ito sa ilalaim ng camera at bigla nalang naiba ang ang gulo nito.  Dahilan para isipin nila na may ginawa ang pulis na ayaw nilang makita sa cctv ang kanilang ginawa.

Ayon naman sa ka live-in partner ni  Padilla, nakita lang ang granada sa kanilang pantry at tinanong niya ang mga nakaharap na media kung sila ba ay maglalagay nito kung ito ay kanilang bahay.

Ayon naman kay JB Reyes, Kagawad ng Brgy. Magallanes, tinawag sila ng mga pulis at ipinakita sakanila ang granada.  Impossible din aniya na may dala ang pulis na mag lalagay nito dahil kamay lang nila ang gamit nila.

Giit ng NCRPO, sumunod naman sila sa patakaran ng kanilang operasyon.