No to Doctor SHAMING!! STOP SHAMING HEALTH CARE WORKERS!!


Tungkol sa Nagyari sa PGH Emergency Room (UPDATE)
Nagbigay na ng opisyal pahayag ang administrasyon ng Philippine General Hospital tungkol sa insidente na nangyari sa Emergency Room noong August 15,2018 6-630 PM. Ito ay buod lamang ng pahayag:
1. Nakabundol ng anim na taong gulang na bata ang driver ni Ramon Tulfo sa Navotas at dinala nila ito sa PGH Emergency Room na kasalukuyang “under renovation”. Sinusuri na ang bata, nang isa sa mga mga tauhan ni Tulfo ay nagsimulang mag-video. Sinabi ng doktor na bawal ang pag-video sa pasyente, at hindi din nagbigay ng pahintulot ang ina ng bata para videohan ang kanyang anak. Nagsimulang magmura si Ramon Tulfo, dinuro ang doktor at hinamon ng suntukan. Nagmakaawa ang ina ng bata dahil natatakot na ang kanyang anak. Tuloy pa rin ang pagvideo ng tauhan ni Tulfo. Tinawag ng doktor ang security guard at sa kalaunan napalabas si Tulfo at mga kasama nito.
Ang bata ay nasuri at inobserbahan sa Trauma ward ng PGH. Walang seryosong pinsala na nakita sa eksaminasyon at Cranial CT scan. Na-discharge ang bata matapos ma-admit.
2. May komunikasyon ang director ng PGH na si Dr Legaspi kay Mr Tulfo, at tiniyak nya nan a-asikaso ang pasyente ni Mr Tulfo, nakiusap din sya na huwag i-post ang video sa Social Media. Sumagot si Tulfo na nag-post sya at nag-viral pa nga ang kanyang video ng mag-ina and ng doktor sa emergency room.
3. Ayon sa post ni Mr.Tulfo sa Facebook page nya “Initially we planned to record the condition of the child for future legal reference”. Subalit labag sa polisiya ng ospital at labag sa Republic Act 10173 (Data Privacy Act of 2012) na nagproprotekta sa karapatan ng mga pasyente sa privacy and confidentiality.
4. Ang hindi pagbigay ng pahintulot ng ina ng bata na kunan ng video ang anak nya, at ang pag-post nito sa Facebook page ni Tulfo ay labag sa Article 3 ng Broadcast Code of the Philippines (Coverage Involving Children). Section 4: “The right to privacy of children must always be respected. Since undue publicity or wrong labeling can cause harm to them.”
5.Pinangalanan din ni Tulfo ang doktor sa Emergency room na walang pahintulot. Labag ito sa Anti-Bullying Act of 2013 (RA 10627).
6. Kinukondena ng PGH community ang nangyaring ito sa ER. Susuportahan ng PGH ang doktor kung sakaling magsampa sya ng kaso laban kay Ramon Tulfo.
Note: I purposely wrote this in Filipino so it can reach a wider audience. This summary was paraphrased from the official statement from PGH. I stand with the ER Doctor and the staff. We should do something about this and not allow the likes of Tulfo to trample the rights of others, primarily the child his driver hit, the child whose rights he violated by posting AND STILL KEEPING the video posted on social media. No one should be above the law.
No to Doctor SHAMING!!
STOP SHAMING HEALTH CARE WORKERS!!

courtesy of:
Thad Hinunangan