Bicolana, naka imbento ng Eco friendly air-con
Date - August 19, 2018
Eco friendly air-con naimbento ng bicolana.
Legazpi City – Naibento ng isang 19-anyos na Bicolana ang isang airconditioner na hindi gumagamit ng ozone-depleting coolants o mga chemical na nakasisira sa ozone layer.
Siya ay si Maria Yzabell Angel V. Palma, nakaimbento ng eco-friendly aircon na tinawag niyang ‘AirDisc’. Dalawang taon ang kaniyang ginugol para lamang matapos ang kaniyang imbensyon na talaga namang makatutulong hindi lamang para maibsan ang init sa bansa kundi pati na sa pagsalba ng kapaligiran.
Ayon kay Palma, nadiskubre niya ang AirDisc technology ng hindi sinasadya habang gumagawa ng isang eco-friendly oven para sa isang research subject noong siya ay grade 10 student sa Philippine Science High School (PSHS) Bicol campus. Sinimulam niyang gawin ang AirDisc noong siya ay grade 11.