Pangulong Duterte, binakbakan si Alejano at Trillanes


NAKATIKIM kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sina Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano at Senador Antonio Trillanes IV na tinawag nitong maiingay ang mga bu­nganga pero mga wala namang nagawa.

Puro nalang malisya ang panghuhusga ayon kay pangulong duterte ang naririnig nito sa grupo ni Alejano.

Nito lamang nakaraang araw ng paghirang ng Pangulo kay Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro bilang punong mahistrado ng Korte Suprema, nakapaglabas kaagad ng statement ang kampo ni Alejano na ito ay pabuya sa pagkatanggal sa pwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“I have yet to hear those guys state something without malice. They always say the worse. People kagaya niya, judge best when they condemn. And they have nothing to show for their time there except to blabber their mouth,” pahayag ng Pangulo.

Nakatikim din naman si Trillanes kay Pangulong Duterte, matapos na sabihan nito na tamad diumano ang Punong Ehekutibo.


Dahil dito, nagpahayag ng pagtataka ang Pangulo kung paanong nakapasa anya si Trillanes sa Philippine Military Academy sa kabila ng karakter nito.

“And for Trillanes to survive PMA given his character, his mouth and his low IQ,” sabi pa ng Pangulo.

Hinamon naman ni Trillanes si Pa­ngulong Duterte na sabay silang sumalang sa IQ test kaugnay sa nasabi ng Pangulo..