Isa nanamang makulit at matigas na violator ang nag matigas sa isang officer na.
Sinasabi ng officer ang violation ng lalaki ngunit ito ay hindi pinakikinggan at inuunawa ni a.k.a. Boy Tapat.
Maayos na hinihingi ni officer ang lisensya ni boy tapat para matikitan ngunit ito ay ayaw niyang ibigay at pinipilit na wala siyang violation.
Ang nasabing violation ni boy tapat ay illegal parking na kung mapapansin ay illegal parking 100%
sa towing zone at disregarding of traffic sign.
Hinaing naman ng lalaki na wala daw siya sa TAPAT ng Traffic sign kaya siya umano ay walang violation.
Ayon naman sa officer, hindi kailangan na nasa tapat ka ng sign bago ka masabing violator.
Hindi rin parkingan ang nasabing lugar dahil ang mga kalsada ay continues flow, dagdag pa nito.
Dumating na ang mga pulis ngunit ayaw parin makinig ni boy tapat at ganun parin ang kanyang dahilan sa mga pulis.
Nakuha pa nitong kuhanan sa cell phone ang nasabing officer na nag lelecture sakanya kahit nag mamatigas at paulit-ulit ito.
Ang nasabing video :
Vidoe credit to the owner.