Hawak na ng PNP Malabon ang 6 sa 7 na mga binatilyo sa viral video na kung saan pinapa legal nila ang marijuana kay Pangulong Duterte at nagyabang sa harap mismo ng camera habang tuloy sa pag mumura sa pangulo kasabay ng pag gamit nito.
Ito ay matapos kusang sumuko ang mga ito sa kapulisan dahil sa sobrang takot na baka itumba sila ng mga taong galit sa kanila lalo’t ang Presidente ng Pilipinas ang kanilang binastos na alam naman nating galit sa usaping adik lalo na sa mga uri ng bawal na gamot. Ang video ay nangyari pa noong taong 2016 at ngayon lang nai-upload ng hindi pa nakikilalang Netizen na agad naman nag viral sa social media.