Pari na may misa sa loob ng Bohol District Jail nahulihan ng kontrabando


Isang pari ang nahulihan ng kontrabando sa isang misa na kanyang pinangunahan sa Bohol District Jail (BDJ).

Ayon sa BDJ administrative officer Jumbo Abad, si Father James Darunday resident chaplain, nag dala ng isang large plastic bag ng biscuit na may kasamang 50 pakete ng sigarilyo at 90 na  tobacco leaves.

Naireport na si Darunday ay nirekwesan ni AYA na asawa ng isang inmate drug suspect na nag ngangalang Rey Gaco, na i-deliver kay Gaco ang nasabing plastic ng bicuit kung saan nasa loob ang kontrabando.

Sabi ng Pari, hindi raw niya alam na may kasamang kontrabando ang nasabing biscuit.  Sinabi niya rin kay Aya na ipapa-inspeksyon niya ang plastic at ang sagot nito ay ''Ok ra na, Father.  Wala man nau problema.''


Nagkaganun man, si Darunday ay hindi na papayagang makapasok sa BDJ.

Ayon sa nasabing report, ang pakete ng sigarilyo ay naibebenta sa loob ng mas mataas kumpara sa regular nitong presyo.

600 pesos para sa isang pakete at 800 pesos approximately sa tobacco leaves.

Ngayon ay re-review-hin ng BDJ ang kanilang mga guidelines upang mapatawan ng kaukulang penalty si Gaco.