Tinaas ng Pangulo ang pabuya sa 5milyon pag patay at 10thousand pag buhay
Date - August 17, 2018
Itinaas kahapon ni Pangulong Duterte sa P5 milyon ang pabuya para sa bawat ninja cop o mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
Inihayag ito kagabi sa kanyang pagdalo sa pagtitipon ng mga miyembro ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional political party na itinatag ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa Davao City.
Kapag dinala umano sa kanya na patay na ang isang ninja cop ay makakatanggap ng P5 milyong pabuya pero P10,000 lang ang ibibigay ng Pangulo kung buhay pa ito.Noong Agosto 2017 nang unang ihayag ng Pangulo ang P2 milyong pabuya laban sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga.
Pero itinaas niya ito sa P3 milyon kada ulo ng ninja cop noong Setyembre 2017 dahil wala pa aniyang bumabagsak na police scalawag.
Tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na bilang na ang araw ng mga ninja cop dahil isa sa kanilang prayoridad ang paghabol sa mga ito alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugisin ang mga police scalawag.