Alejano, Itinanggi na kasali ang Magdalo sa anumang plano na pagpapatalsik sa Pangulo

Itinanggi ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na ang kanilang grupo ay  involved umano sa kahit anong plano na pag papatalsik sa Duterte administration.

Sinabi ni Alejano na ang aligasyon sa grupo ng Magdalo tungkol sa pag pa-planong pag papatalsik ay “purely a product of imagination and paranoia” lamang ni President Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Alejano, ang akusasyon sa kanya at sa kanyang ''mistah'' na si Trillanes ay paraan lang umano para mapagtakpan at mabaling ang atensyon ng mga tao sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa tungko sa inflation.

“If there is someone destabilizing the present government, they should not look beyond themselves for they are ones destabilizing it,” sabi ni Alejano.

Maaalalang nitong Martes (September 11, 2018) Binanatan ni Duterte si Trillanes at ang iba pang miyembro ng Magdalo tungkol sa umanoy pag pa-plano nitong patalsikin siya sa pagka presidente.

“The essence of this is to strengthen democracy and not to destabilize it. Further, since the onset of the Duterte administration, the actions of Magdalo have shown respect of the Constitution and the legal processes it provides,” ani Alejano.