"Ang mother ko ay 84 years old na. May advance stage ng Parkinson's disease. Hindi ko maisip kung bakit ida-drag ni Mr. Duterte aking magulang dito sa laban namin," sabi ni Trilla
"You stick with me Mr Duterte, dahil wala ka nang maibato sa akin ida-drag mo pa sila rito," dagdag pa nito.
"Ang aking nanay ay walang kaso, walang impropriety. Pinalaki kami nang maayos. Siguro kung may kurakot man sa kanila e kurakot din ako pero hindi," ani Trillanes.
"Kung me problema sa akin, stick with me, Huwag mong idadamay ang nanay ko, personalan na yan, huwag ka pumunta dun. Hindi gawain ng tunay na lalaki 'yan," dagdag ni Trillanes.
Nitong Martes ay nag bigay ng pahayag si Pangulong Duterte matapos na kwestyonin ni Trillanes ang pag pasok ni Bong Go sa business with the government.
“And problema rito kay Trillanes, he is crucifying Bong Go for entering business with government. Let's look at history. Si Trillanes, 'yung tatay niya, nung nasa serbisyo pa, saka siya nung sundalo na siya, 'yung nanay niya, [may] transaksyon sa supply sa Navy ang nanay niya," pahayag ni Duterte sa nationally televised interview with chief presidential legal counsel Salvador Panelo.
"Ayaw niyo maniwala? Tanungin niyo 'yung Navy. Kung ganyan ang gusto niyong leader, go to Trillanes. Is that a kind of leader na gusto ninyo? Sumampa na kayo roon,” dagdag ni Duterte.
“Una talaga is the lifestyle. Di makaintay. 'Yung iba, kapitan pa lang, suddenly may big house, sa subdivision, three big houses. Maraming bahay ['yan si Trillanes] sikreto lang,” -Duterte.