Trillanes, stress sa Senate Hotel


STRESS na umano si Senator Antonio Trillanes sa loob ng Senado dahil sa hindi raw ito makatulog ng maayos sa gabi dahil sa mga kinasasangkutan at kinakaharap nito mula ng mabawi o mapawalang bisa ang kanyang amnistiya sa bisa ng Executive order mula kay Pangulong Duterte.

Sa loob ng isang linggo sa loob ng Senado ay nakaramdam ito ng stress sa pag kawala ng kanyang amnestiya at sa sunod-sunod na pag harap sa media upang ipaliwanag ang kanyang mga hinaing na wala umanong basihan ang pagkabawi ng kanyang amnestiya.  Kasunod nito ay ang patuloy na pag harap sa media at pag sasagawa ng misa sa loob ng senado.

Ayon kay Gary Alejano na kaibigan ni Trillanes, nag kakasakit na umano ito dahil sa stress pagod at hindi maayos na pag tulog sa gabi.  

Maalalang hindi nakaharap sa media at sa ginanap na misa sa labas ng senado si Trillanes nitong weekends  dahil nga umano sa hindi magandang pakiramdam nito na ayon kay Alejano.