Hinamon ni President Rodrigo Duterte ang mga military officers na umanoy nag pa-plano na patalsikin siya sa pwesto bilang Pangulo na gawin na nila ito.
“Hindi ako takot. Bakit daw matakot? Anong katakutan ko? Ano bang kasalanan ko sa inyo?” sabi Duterte
Ito ang reaksyon ng Pangulo sa rumors na patatalsikin siya ng isang loyal military kay former Magdalo leader na si Senator Antonio Trillanes kasunod ng pag issue nito ng Presidential Proclamation 572 na nag de-deklara ng pag sasawalang bisa o pag bawi ng amnestiya ni Trillanes noong 2011 sa kanyang kinasangkutan at pinamunuan sa Oakwood mutiny at Manila Peninula siege.
Sinabi naman ni Duterte na hindi niya hahayaan na malagay o matatak sa history, kung ang magiging dahilan ay negatibo tulad ng pag awayin ang sundalo at kapulisan.
“Pero if the military and the police — I will not… Patayin ang sundalo, patayin ang sundalo. Puro ko sundalo kasi ako ang Commander–in-Chief and history would judge me as tang inang gagon ‘to, sa panahon niya pina-away niya ‘yung mga sundalo niya pati pulis nagbabarilan,” ayon kay Duterte.
“You know, kung kayo-kayo lang niyan, magbakbakan lang tayo, matulog na lang ako,” dagdag pa nito.
Samantala, kahit naging galante ang pangulo sa pag taas ng sahod ng mga sumdalo at sa iba pang benipisyo, Simabi nito na hindi siya nangingimi na tanggalin parin ang mga ito o patalsikin maging mataas man na opisyales basta't ito ay sangkot sa korapsyon.
“Pati general nga sa Armed Forces of the Philippines eh. He was the latest person that I fired, not because I’m afraid of — I’m not doing anything — anybody a favor,” ani Duterte.
Matatandaang tinanggal ni Pangulong Duterte sina Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega, chief of V. Luna at Col. Antonio Punzalan na namumuno sa logistic office ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center nang dahil sa korapsyon.