Panelo: Lahat ng pinirmahan at binigyan ng amnesty ni Gazmin ay mapapawalang bisa


Inabuso ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang kanyang kapangyarihan noong panahon ni Former President Noy Aquino ng paboran at bigyan nito ng amnestiya ang Magdalo soldiers at hindi lamang si Senator Antonio Trillanes IV ang malalagay sa sitwasyon na nabawian ng amnestiya kundi ganoon din ang nasa 80 officers and soldiers na nabigyan umano nito.

Ayon din kay Pangulong Duterte, si Gazmin ang nag screened, endorsed, at ang nag approved sa mga ito – ay mapapawalang bisa hindi lamang ang kay Trillanes’ na amnestiya, kundi pati na rin ang iba pang Magdalo officers and soldiers na siyang kasama nito at naging sangkot sa Oakwood Mutiny 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007.

“Theoretically yes! If unless they can show me that the President then signed a grant of amnesty to all those enumerated in the letters submitted to him, Secretary Voltaire Gazmin,” ayon kay Panelo sa isang  TV interview.

Ayon pa kay Panelo, dahil sa nagawa ni Guzmin, walang ibang magagawa ang gobyerno kundi suriin mabuti at pag aralan ang mga nakatangap ng ng amnestiya na sinasabing “defective and fatally flawed” ng Aquino amnesty.

“If you’re going to review one particular applicant in a particular amnesty grant. Then you have to see if there’s any irregularity in any of the applicants. Every one of them will have to go through,” dagdag ni Panelo na tumutukoy  kay Former Putschists Danny Lim ng Metro Manila Development Authority at Nic Faeldon ng Office of Civil Defense.