Sex Scandal ng Pari, masakit at kahihiyan sa CBCP


Nagpahayag ng paninindigan ang ang mga obispong katoliko ng ating bansa, na hindi umano dapat na nagkakaroon ng  pagtatakip sa anumang uri ng kaso at pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Simbahan.

Katulad na lamang ng mga pari na may kasong:

  • Rape
  • Sexual harassment
  • Child Trafficking
  • Abuse
  • Illegal Drugs
  • etc

Inilabas ni Catholic Bishops’ Conference of the Phi­lippines (CBCP) President at Davao Archbi­shop Romulo Valles ang pahayag na ito matapos na ma-ibalita ang isang kardinal sa Estados Unidos kaugnay ng sekswal na pang-aabuso.

Ito umano ay masakit para sa kanyan dahi sa pagtatakip sa mga pang aabuso ng ibang mga kaparian sa mundo.  Siya rin umano ay nasasaktan aniya at nahihiya sa mga eskandalo na kinahaharap ng Simbahan.

Sa kabila ng mga negatibong issue nag Simbahan, nanawagan ang CBCP sa mga Katoliko na magdasal at mag-ayuno.

“This is something that we can organize and do in our dioceses and parishes, in our religious communities, and in our BECs (Basic Ecclesial Communities),” Valles. ­