OFW, asking why CEBUANA PERA PADALA charge Twice in Sending and Releasing


Isa ang mga Money Transfer sa mga option na talaga namang mas nagagamit ng ating mga kababayan na OFW upang maipahatid ang ating mga tulong o suportang financial sa ating mga kaanak at pamilya.

Marami sa ating mga OFW na pinalad man sa trabaho ay nakararanas naman ng mga hindi makataong pagtrato sakanilang mga amo.

Gaya ng mga kumakalat sa mga Social Media, mga video ng OFW na minamaltrato ng ibang lahi.
Nandyan ang hindi sila pakainin, saktan ng physical na makaka apekto sa kanilang mental, pagsamantalahan, hindi pasahurin, ikulong at hindi pag papauwi, at marami pang mga bagay na talaga naman hindi makatao.

Ito ay kanilang tinitiis para sa kanilang pamilya na naiwan sa kanilang sariling bansa.  Di alintana ang hirap, pagod, sakit at lungkot na nararamdaman, masuportahan lang ang kanilang mga naiwan.

September 3, 2018, isang OFW ang nag post ng kanyang video kung saan nag hahanap ng kasagutan sa ginagawa ng isang money transfer company na kanyang pinahayag bilang CEBUANA PERA PADALA.

Nag kakaltas umano ito ng hindi lang isang beses bago siya mag padala, kundi dalawa dahil nababawasan ang pera pag ito ay -iclaim na.

Narito ang isang post ng ating kababayan.


Narito naman ang isang video kung saan nagtatanong ito kung bakit nga ba nag cha-charge ang isang money transfer ng dalawang beses.  Binayaran na ang fees sa pag papadala, ngunit bago ma-receive ng kanilang kaanak ay kulang ito.


Panawagan niya sa mga OFW na ipatago o itabi ang mga resibo upang mapag aralan ito at maka tanggap ng tamang aksyon.

Siya ay umaasa na mabigyan ito ng pansin at masagot ang kanyang mga tanong sa kanyang hinaing dahil hindi naman biro ang kanilang pinag daraanan sa ibang bansa gaya ng kanyang sinabi.