Durtete: more temporary shelters for victims of natural disasters


Isinusulong ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag construct pa ng mga temporary shelters para sa mga masasalanta at mag e-evacuate na pamilya.

Ito ay nasinabi ni Pangulong duterte habang nasa command conference tungkol sa bagyong pinangalanang Ompong sa National Disaster Risk Reduction and Management Council Operations Center sa Camp Crame nitong Huwebes.

“It’s about time that we build ‘yung semento as temporary shelters that can be used by the people during (a natural disaster),” ani Duterte sa kanyang mga Cabinet officials.

Sinabi rin ng Pangulo na maaantala ang pasok ng mga estudyante sa kadahilanang gagamitin ang kanilang paaralan upang maging emergency shelters.

“Kasi ang ano ko diyan — my misgiving, ang mga bata napuputol for the — for the longer they stay in the school, the longer would be the disturbance of the education of the children,” the chief executive said.

“It’s about time that (NDRRMC executive director Undesecretary Ricardo) Jalad thinks of this. ‘Yun talagang mga frontliners na lugar: Leyte, Samar, itong Cagayan, Isabela, makagawa man lang tayo parang gym puro semento. Oo, parang gym lang with so many perhaps 10 CRs for women and 10 na — ihiwalay mo lang babae lalaki,” dagdag pa nito.

Inaasahan naman ni Pangulong Duterte na makakagawa pa ng atlest 14 temporary shelters sa susunod na taon.

“Parang simple lang na with strong — I think you have to use the metal iron. Parang gym lang, habaan mo lang ‘yung upuan para mag… And if we can build about siguro maski 14 muna next year — early next year kung masali natin sa — mahabol sa budget,” sabi pa ng Pangulo.