Pinagtatawanan ng Malacanang ang pagkatakot ni Senador Antonito Trillanes IV na baka maaresto umano ito sakaling magpasya na itong lumabas sa Senado at umuwi sa kanilang tahanan matapos mamalagi dito dahil sa pagbawi o pag sasawalang bisa ng kanyang amnestiya.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, gumagawa lamang ng sariling multo ang si Trillanes kaya maging ang anino nito ay kanyang kinatakutan.
Dagdag pa nito, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing na hindi siya interesadong arestuhin ang si Trillanes kahit pa nakalagay sa inisyung Proclamation 572 na arestuhin ito at ibalik sa kanyang detention sa Camp Aguinaldo.
“Ang problema kasi sa kanila, lumilikha sila ng multo na kinakatakutan nila. They created (laughs)… they created that. It’s all their imagination,” ani Panelo.
Walang ring interest si Secretary Panelo na alamin pa kung sino ang in-charge o kung sino man ang nag-utos sa arresting team na magbantay sa Senado dahil kung talagang gustong arestuhin si Trillanes ay sana ginawa na unang araw pa lamang na nailabas ang proklamasyon.
“Hindi na kailangan iyon, alam na nila, alam mo iyong mga… whoever is in charge there, alam niya ang gagawin niya. Hindi ko nga alam kung totoo iyong claim nila o hindi – wala namang pruweba na mayroon. It’s only an allegation,” dagdag pa ni Panelo.