'GANTI LANG' ayon sa mga bata kaya nila kinuyog ang matanda


Nakilala at nahuli na ng mga kapulisan ang mga menor de edad na kumuyog at pilit na umaagaw sa dala ng isang matandang pasahero sa Maynila na nakuhunan ng video at agad namang kumalat sa social media.

Agad naman na nag sagawa ng plano at aksyon ang Manila pulis ng isang operasyon matapos kumalat sa social media ang video ng mga kabataan.

Nasagip naman ang 13 menor de edad sa lugar kung saan ginawa ang rescue operation.

“Previous meron na tayong isinagawang ganiyang rescue operations sa mga kabataan...Para din ito sa kanila kasi considered din natin na pag minors kasi, ang tawag sa kanila 'child at risk' so it’s either sila ang madisgrasya o sila ang makadisgrasya,” ayon kay Ermita police station commander Supt. Igmedio Bernaldez.

Dinala na sa police station ang mga kabataang sangkot umano sa nasabing viral video.

Ang pito sa labing tatlong nasagip ay tinukoy na sangkot sa pagkuyog sa mantang pasahero.
Ayon naman sa mga batang ito, ipinagtanggol lang nila ang kasamahang binastos umano ng matanda.
Dagdag pa ng mga ito, hinabol lang nila ang matanda at nagkaabutan lang sa jeep.

Hindi naman nag-report sa pulis ang matandang pasahero na nasa video.
Makatutulong ang salaysay ng pasahero para malaman ang tunay na nangyari ayon sa pulisya.

Maaari rin sampahan ng matanda ang mga kabataan ng robbery.

Pero sa ngayon, nasa kustodiya na ng DSWD ang mga menor de edad para mabigyan ng wastong gabay.