Hindi talaga maalis sa ating mga Pilipino ang maging matulungin at sa gitna ng mga masasamang loob eh may nananatili paring tapat at mabuti.
Tunghayan ang isang Good Samaritan sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.
Ayon sa nakasaksi, isang matanda na unang nakita na nakatayo sa gitna ng intersection at namamalimos.
Agad naman itinawag sa Baliwag Traffic Management Office upang puntahan at matulungan ang nasabig matanda.
Habang minomonitor ang sitwasyon, isang tricycle ang huminto sa likoran ng matanda at agad na bumaba ang driver upang alalayan at itawid ang matanda sa kabilang kalsada.
Nawa'y marami pa ang tulad mo na may mabuting puso, pag galang at respeto sa kapwa tao.
Mabuhay ka!