Akusasyon mula umano kay President Rodrigo Duterte, kinuha umano ng mga empleyado ng ABS-CBN Network ang mga donated goods para sa mga biktima ng kalamidad.
Ayon kay Pangulong Duterte, siya ang “living witness” to the pilferage allegedly committed by the network’s employees sa Davao City station kung saan dati siyang Mayor.
“Ako na mismo nagsasabi sa inyo. Nakikita ko eh. Kasi may program ako noon every Sunday. So ‘yung lahat ng donations nandoon. Nandoon yung mga matatandang empleyado na sorting out. Mga basta ‘yung ganoon na pilferage,” sabi ni Duterte during the situation briefing on Typhoon Ompong in Isabela nitong Martes (September 17).
Ang kanyang weekly show na ineere sa ABS-CBN Davao ay pinamagatang “Gikan sa Masa, Para sa Masa”.
Maaalalang si Pangulong Duterte ay nagalit sa ABS-CBN noong hindi ipinalabas ng network ang bayad na komersyal para sa kanyanng pangangampanya noong 2016 elections na kanya paring napagtagumpayan.
Binigyan narin ni Pangulo ng hint ang istasyon na sila ay maaaring mahirapan tungkol sa pa renew ng kanilang franchise na mag e-expire sa taong 2020.