Duterte, winning war on crime based on SWS survey


Bumaba ang bilang ng mga pamilyang nasasangkot sa krimen na siyang pagpapatunay na ang sinseridad ng gobyerno sa kanilang kampanya against crime and illegal drugs, ayon sa isang survey na sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

“Actually itong crime rate, pababa naman ito padowntrend na to, although sabi ko nga, di natin (kayang) gawing zero, at least i-minimize natin. Mapababa natin in the whole Philippines. Pababa na in the first two years of the Duterte administration,” pahayag sa mga reporters ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde .

Ayon pa kay Albayalde, dahil sa Duterte Administration, nabawasan ang crime volume NATIONWIDE.

“Almost 50 percent ang pagbaba. Meaning, maganda ang programa ng administration na ito,” ani Albayalde.
Image result for sws survey
Base sa Social Weather Stations’ (SWS) Second Quarter 2018 Social Weather Survey na nilabas nitong Huwebes, 5.3 percent of the respondents, representing 1.2 million families, reported victimization of common crimes nitong nakaraang anim na buwan.

Ito ay 1.3 puntos na mas mababa sa 6.6 porisyento nitong March 2018, at pinaka mababa mula sa record na 3.7 na porsiyento noong June 2017.

Kasama na dito ang mga magnanakaw, mandurukot, akyat bahay, carnaper, at pananakit ng pisikal. (PNA)