Kalbaryo sa mga driver ang pamemerwisyo ng mga kabataan na pagala-gala sa lansangan.
Nitong kama kailan lamang, bumida sa Facebook ang mga video kung saan nang ha-harass umano ang mga kabataang ito at nananakit ng kahit na sinong kanilang matipuhan.
Hindi rin maitatanggi na ang mga batang ito ay gumagamit ng solvent na makikita sa kanilang mga kamay na may hawak na plastic habang inaamoy ito.
Matapos ang mga video upload, narito at meron nanamang viral naman ngayon na litrato at ito ay agad na kumalat sa Facebook. Makikita ang dalawang lalaki na sumampa sa ibabaw ng taxi habang nasa gitna ng traffic sa EDSA Northbound.
Ayon sa uploader na si Leonard Smith Yazar:
''Kaninang hapon habang binabagtas ko ang edsa northbound papalapit na kami sa underpass sa ayala. Yang dalawang batang yan na nasa pic eh nakikita namin na sumasampa sa mga taxi habang traffic. At habang humihithit ng solvent may mga sumisita na mga rider ng motor pero inaaway din ng dalawang yan. Pati mga sasakyan na L300 na fb dinudukot nila sa loob kung ano man madukot nila at inaaway ang driver at pahinante. Ang lalakas ng loob dahil pag dating sa dulo bahagi ng tunnel ay may mga kasama din sila.. paging MMDA di ba po may cctv sa underpass from ayala to buendia Northbound. di nyo po ba ito nakikita kawawa naman yung taxi driver pati yung sakay natatakot. tumingin sa akin yung driver napapailing na lang dahil pag binabaan pa nya ang mga yan baka pagtulungan pa siya. Sana man lang kung talagang naka monitor kayo umaksyon na agad kayo dahil sa sobrang traffic kahit lakarin nyo pa yan mula sa base nyo sa orense maaabutan nyo pa mga yan.''
Humihithit pa umano ng solvent ang dalawa at ayaw paawat sa mga motoristang sumasaway sa kanila kung kaya naman nanawagan na ang uploader sa gobyerno na aksyunan ang insidente.